ADVISORY: PRECAUTIONS ON WILDFIRES IN SOUTH KOREA
With the latest developments on the wildfires which continue to take place in several areas in Korea and the declaration of a state of national disaster in Ulsan, North Gyeongsang Province and South Gyeongsang Province, and a special disaster zone in Sancheog County, as well as the possibility of the fires spreading further in Ulsan, Andong, Bonghwa, Uiseong and other nearby areas due to strong winds and dry conditions, Filipinos in and near affected areas are advised to observe all possible caution and to follow the guidelines of local authorities.
Filipino nationals are likewise advised to monitor developments and government advisories through the Emergency Ready App of the Ministry of Interior and Safety which may be downloaded on your mobile phones, the National Disaster and Safety Portal accessible through http://eng.safeKorea.go.kr, and the Korea Forest Service at http://eng.forest.go.kr, which maintains updates and situation reports on the wildfires.
Thank you.
—
PAG-IINGAT UKOL SA MGA SUNOG SA SOUTH KOREA
Dahil sa patuloy na paglaganap ng mga sunog sa ilang bahagi ng Korea, at sa deklarasyon ng pambansang kalamidad sa Ulsan, North Gyeongsang Province, at South Gyeongsang Province, pati na rin ng isang special disaster zone sa Sancheong County, at sa posibilidad ng pagkalat pa ng mga sunog sa Ulsan, Andong, Bonghwa, Uiseong, at iba pang karatig-lugar dahil sa malalakas na hangin at tuyong kondisyon ng panahon, pinapayuhan ang mga Pilipino sa mga apektado at kalapit na lugar na maging alerto, mag-ingat, at sumunod sa mga alituntunin ng mga lokal na awtoridad upang makaiwas sa sakuna.
Pinapayuhan din ang mga Pilipino na subaybayan ang mga kaganapan at mga abiso mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng “Emergency Ready App” ng Korea Ministry of Interior and Safety na maaaring ma-download sa inyong mga cellphones, National Disaster and Safety Portal sa http://eng.safekorea.go.kr, at ang Korea Forest Service sa http://eng.forest.go.kr, na nagbibigay ng mga ulat at pinakahuling impormasyon.
Maraming salamat po.
PAANYAYA: LEGAL CARAVAN SA SOUTH KOREA: SEMINAR AT LIBRENG LEGAL CONSULTATION
Inaanyayahan ng Philippine Embassy, kasama ng Zonta Club of Central Tuguegarao at IBP Cagayan Chapter, ang lahat ng ating kababayan sa unang KYRR Series ng taon, ang "Legal Caravan sa South Korea: Seminar at Libreng Legal Consultation" na gaganapin sa 30 Marso 2025, Linggo sa Sentro Rizal Hall, Philippine Embassy. Magkakaroon ng Legal Seminar simula 9:30 AM hanggang 12:00 NN patungkol sa iba't ibang isyu katulad ng annulment, divorce, kustodiya ng mga bata, pagmamay-ari ng lupa, at iba pa. Magkakaroon din ng libreng one-on-one legal consultation simula 1:00 PM hanggang 4:00 PM. Mag-register lamang po sa https://bit.ly/legalaidseoul o di kaya'y i-scan ang QR Code sa poster. Maaari ring tumawag sa 010-9263-8119. Maraming salamat po!
Official enrollment link for Internet Voting for the 2025 Philippine National Elections Overseas
ATTENTION Filipino Overseas Voters!
The official enrollment link for Internet Voting for the 2025 Philippine National Elections overseas is NOW LIVE!
ENROLL NOW! Enrollment is only until May 7, 2025.
Beware of fraudulent links! Only use the official website to enroll. Do NOT share personal details on unverified sites.
PAALALA UKOL SA MGA PAMPUBLIKONG DEMONSTRASYON SA SOUTH KOREA
Dahil sa mga inaasahang mga malakihang pagtitipon, protesta o demonstrasyon sa mga darating na araw kaugnay ng kasalukuyang sitwasyong pulitikal sa loob ng South Korea, muli pong pinapayuhan ng Embahada ang mga Filipino sa South Korea na patuloy na mag-ingat at iwasan ang mga matataong lugar.
Muli rin pong ipinapaalala ng Embahada na sa ilalim ng mga batas ng Republika ng Korea, ipinagbabawal ang mga dayuhan na makibahagi sa ganitong uri ng pampulitikang aktibidad sa ilalim ng Artikulo 17 ng Immigration Control Act (Sojourn and Departure of Foreigners) ng South Korea.
Inaabisuhan ng Embahada ang lahat ng ating mga kababayan na sumunod sa mga lokal na batas at regulasyon upang maiwasan ang anumang aberya sa kanilang pananatili sa South Korea.
Kung mayroon po silang mga katanungan para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan lamang po sa Embahada sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o 010-9263-8119.
Maraming salamat po sa inyong atensyon at pag-unawa.
Embassy News
- Wednesday, 02 April 2025 Sympathy Message on wildfire outbreak in the Republic of Korea
- Wednesday, 02 April 2025 PHILIPPINES AND KOREA TO BOOST ECONOMIC, TRADE, AND ENERGY COOPERATION
- Monday, 31 March 2025 PHL EMBASSY HOSTS GENERAL ASSEMBLIES OF PHILIPPINE ENGINEERS’ ASSOCIATION IN KOREA AND PHILIPPINE INSTITUTE OF CIVIL ENGINEERS - SOUTH KOREA CHAPTER
Announcement & News Updates
- Wednesday, 02 April 2025 NOTICE OF AWARD TO LOTTE HOTEL SEOUL THE CONTRACT FOR PROFESSIONAL BANQUET SERVICES FOR AN OFFICIAL EVENT OF THE EMBASSY
- Wednesday, 26 March 2025 ADVISORY: PRECAUTIONS ON WILDFIRES IN SOUTH KOREA
- Tuesday, 25 March 2025 PAANYAYA: LEGAL CARAVAN SA SOUTH KOREA: SEMINAR AT LIBRENG LEGAL CONSULTATION