EXTENSYON NG PROGRAMA PARA SA BOLUNTARYONG PAGLISAN NG MGA DAYUHAN SA SOUTH KOREA, 2024
Ipinapaalam ng Embahada ng Republika ng Pilipinas sa Seoul sa mga Filipino sa South Korea na kamakailan ay ipinahayag ng Ministry of Justice (MOJ) ang pagpapalawig o extension ng programa para sa boluntaryong pag-alis ng mga dayuhang wala nang dokumentadong katayuan na manatili sa Korea.
Ayon sa MOJ, ang mga dayuhang hindi na dokumentado na naninirahan sa South Korea na boluntaryong aalis sa araw ng o bago mag 31 Enero 2025 ay bibigyan ng: 1) "fine exemption" o hindi pagbabayarin ng multa; at 2) "suspension of re-entry restrictions" o hindi mailalagay sa “black list” o listahan ng mga taong ipinagbabawal na pumasok sa South Korea sa loob ng nasabing programa.
Para sa higit pang mga detalye tungkol sa programa, maaaring tingnan ang nakalakip na impormasyong mula sa MOJ at tiyaking mabuti kung kayo ay kwalipikado o maaring mag-apply sa programa. Ang mga aplikante ay maaari ding makipag-ugnayan sa Immigration Contact Center sa 1345 (piliin ang Filipino sa mga wikang banyaga), o bisitahin ang website ng HiKorea (http://www.hikorea.go.kr) at Korea Immigration Service (http://www.immigration. go.kr).
Alang-alang sa kanilang pansariling kapakanan at kaligtasan, hinihikayat ng Embahada ang lahat na manatiling nasa wasto at legal ang kanilang katayuan, gayundin ang pasaporte at iba pang dokumento, habang nagtatrabaho o naninirahan sa labas ng ating bansa.
MAHALAGANG PAALALA: PARA SA LAHAT NG MGA FILIPINO SA SOUTH KOREA NA UMIWAS SA PAKIKILAHOK SA ANUMANG PROTESTA, RALLY O PAMPUBLIKONG DEMONSTRASYON
Nais pong ipaalala ng Embahada ng Pilipinas sa lahat ng mga Filipino sa South Korea na umiwas sa pakikilahok sa anumang protesta, rally, o pampublikong demonstrasyon.
Sa ilalim ng mga batas ng Republika ng Korea (ROK), mahigpit na ipinagbabawal ang mga dayuhan na makibahagi sa ganitong uri ng pampulitikang aktibidad. Ang paglabag sa patakarang ito ay maaaring magresulta sa legal na parusa sa ilalim ng Article 17 ng Immigration Control Act (Sojourn and Departure of Foreigners) ng South Korea.
Inaabisuhan ng Embahada ang lahat ng ating mga kababayan na sumunod sa mga lokal na batas at regulasyon upang maiwasan ang anumang aberya sa kanilang pananatili sa South Korea.
Kung mayroon po silang mga katanungan para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan lamang po sa Embahada sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o 010-9263-8119.
Maraming salamat po.
Embassy News
- Wednesday, 05 February 2025 PHILIPPINE AMBASSADOR MEETS WITH CEBU PACIFIC KOREA BRANCH COUNTRY MANAGER
- Monday, 03 February 2025 THE PHILIPPINES KICKS-OFF THE FIRST UNITED NATIONS COMMAND-AMBASSADOR ROUNDTABLE OF 2025
- Thursday, 23 January 2025 UP INKS MOU ON ACADEMIC AND CULTURAL EXCHANGES WITH BUSAN UNIVERSITY OF FOREIGN STUDIES
Announcement & News Updates
- Monday, 27 January 2025 PAUNAWA UKOL SA MGA PROTOKOL SA PAGPASOK SA REPUBLIKA NG KOREA EPEKTIBO SIMULA 01 ENERO 2025
- Sunday, 26 January 2025 NOTICE TO PROCEED TO SAMSUNG OFFICE FURNITURE CO., LTD., FOR THE PROCUREMENT OF A CONTRACT FOR RENTED FURNITURE FOR AN OFFICIAL EVENT OF THE EMBASSY
- Sunday, 26 January 2025 NOTICE TO PROCEED FOR THE PROCUREMENT OF OFFICIAL GIFTS OF THE EMBASSY FOR THE 2025 SEOLLAL