MENU

Muling inaanyayahan ng Embahada, MWO, at OWWA, ang mga Filipino na nagtatrabaho at naninirahan sa South Korea na makilahok sa pagpapatuloy ng Livelihood Skills Trainings at Health & Wellness Programs simula buwan ng Hulyo taong 2025!

Ito po ay LIBRE at face-to-face. Ang mga Skills trainings ay gaganapin sa 3rd floor Training Room ng MWO-OWWA office, No. 17 Hoenamu-ro, 47-gil, Yongsan-gu, Seoul (sa likod ng Embahada ng Pilipinas).

Ang Health & Wellness seminars naman ay gaganapin sa kanya-kanyang kaakibat na pagdarausan.

Upang magparehistro, piliin at i-click lamang ang link sa bawat klase.

At para sa karagdagang katanungan tumawag sa 010-6598-9338, 010-2792-8971, or 010-7432-0698. Salamat po!

FINAL 2025 2nd Sem Trainings Activities OWWA