EXTENSYON NG PROGRAMA PARA SA BOLUNTARYONG PAGLISAN NG MGA DAYUHAN SA SOUTH KOREA, 2024
Ipinapaalam ng Embahada ng Republika ng Pilipinas sa Seoul sa mga Filipino sa South Korea na kamakailan ay ipinahayag ng Ministry of Justice (MOJ) ang pagpapalawig o extension ng programa para sa boluntaryong pag-alis ng mga dayuhang wala nang dokumentadong katayuan na manatili sa Korea.
Ayon sa MOJ, ang mga dayuhang hindi na dokumentado na naninirahan sa South Korea na boluntaryong aalis sa araw ng o bago mag 31 Enero 2025 ay bibigyan ng: 1) "fine exemption" o hindi pagbabayarin ng multa; at 2) "suspension of re-entry restrictions" o hindi mailalagay sa “black list” o listahan ng mga taong ipinagbabawal na pumasok sa South Korea sa loob ng nasabing programa.
Para sa higit pang mga detalye tungkol sa programa, maaaring tingnan ang nakalakip na impormasyong mula sa MOJ at tiyaking mabuti kung kayo ay kwalipikado o maaring mag-apply sa programa. Ang mga aplikante ay maaari ding makipag-ugnayan sa Immigration Contact Center sa 1345 (piliin ang Filipino sa mga wikang banyaga), o bisitahin ang website ng HiKorea (http://www.hikorea.go.kr) at Korea Immigration Service (http://www.immigration. go.kr).
Alang-alang sa kanilang pansariling kapakanan at kaligtasan, hinihikayat ng Embahada ang lahat na manatiling nasa wasto at legal ang kanilang katayuan, gayundin ang pasaporte at iba pang dokumento, habang nagtatrabaho o naninirahan sa labas ng ating bansa.
MAHALAGANG PAALALA: PARA SA LAHAT NG MGA FILIPINO SA SOUTH KOREA NA UMIWAS SA PAKIKILAHOK SA ANUMANG PROTESTA, RALLY O PAMPUBLIKONG DEMONSTRASYON
Nais pong ipaalala ng Embahada ng Pilipinas sa lahat ng mga Filipino sa South Korea na umiwas sa pakikilahok sa anumang protesta, rally, o pampublikong demonstrasyon.
Sa ilalim ng mga batas ng Republika ng Korea (ROK), mahigpit na ipinagbabawal ang mga dayuhan na makibahagi sa ganitong uri ng pampulitikang aktibidad. Ang paglabag sa patakarang ito ay maaaring magresulta sa legal na parusa sa ilalim ng Article 17 ng Immigration Control Act (Sojourn and Departure of Foreigners) ng South Korea.
Inaabisuhan ng Embahada ang lahat ng ating mga kababayan na sumunod sa mga lokal na batas at regulasyon upang maiwasan ang anumang aberya sa kanilang pananatili sa South Korea.
Kung mayroon po silang mga katanungan para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan lamang po sa Embahada sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o 010-9263-8119.
Maraming salamat po.
ADVISORY: Inclement Weather (Snow)
Pinag-iingat po ng Embahada ng Pilipinas ang lahat ng Pilipino sa South Korea kaugnay ng inaasahang malakas na pagbuhos ng niyebe o snow. Maging maingat po sa paglalakad o pagmamaneho, at tiyaking handa ang inyong mga pamilya at sarili sa pagpasok ng taglamig.
Paalala rin na i-download at gamitin ang Emergency Ready App ng Korea upang makatanggap ng mga maagap at mahalagang abiso ukol sa lagay ng panahon at iba pang impormasyon para sa inyong kaligtasan.
Magtulungan po tayo para sa kaligtasan ng lahat at laging maging handa. Salamat po.
18-Day Campaign to End Violence Against Women, 25 November - 12 December 2024
The Philippine Embassy in Seoul joins the observance of the 18-Day Campaign to End Violence against Women (VAW) from 25 November to 12 December 2024, pursuant to Proclamation No. 1172 s. 2006.
The 2022-2027 recurring campaign theme, “UNiTEd for a VAW-free Philippines” along with the 2024 sub-theme, “VAW Bigyang Wakas, Ngayon na ang Oras!” highlights the urgency of the advocacy in line with the commemoration of the 20th anniversary of the signing of the Anti-VAWC Act of 2004 (RA 9262).
Embassy News
- Saturday, 14 June 2025 PHILIPPINE EMBASSY IN SEOUL MARKS 127TH INDEPENDENCE DAY WITH SYMBOLIC LIGHTING OF BANPO BRIDGE
- Saturday, 14 June 2025 PHILIPPINE EMBASSY IN SEOUL COMMEMORATES 127TH INDEPENDENCE DAY WITH FLAG RAISING
- Wednesday, 11 June 2025 President Ferdinand Marcos Jr. congratulates ROK President Lee Jae-Myung on his election
Announcement & News Updates
- Sunday, 15 June 2025 Special Vocal Workshop with the Nightingales, 22 June 2025 at the 2F Sentro Rizal, Philippine Embassy in Seoul
- Wednesday, 11 June 2025 REQUEST FOR QUOTATION FOR SUPPLY AND DELIVERY OF EMBASSY COMMEMORATIVE ROLLERBALL PENS AS TOKENS DURING OFFICIAL EVENTS
- Wednesday, 11 June 2025 REQUEST FOR QUOTATION FOR PROCUREMENT OF PHILIPPINE-MADE PRODUCTS AS TOKENS DURING THE 127TH PHILIPPINE NATIONAL DAY RECEPTION ON 23 JUNE 2025