MENU

Ipinapaalam ng Embahada ng Republika ng Pilipinas sa Seoul sa mga Filipino  sa South Korea na kamakailan ay ipinahayag ng Ministry of Justice (MOJ) ang pagpapalawig o extension ng programa para sa boluntaryong pag-alis ng mga dayuhang wala nang dokumentadong katayuan na manatili sa Korea.

Ayon sa MOJ, ang mga dayuhang hindi na dokumentado na naninirahan sa South Korea na boluntaryong aalis sa araw ng o bago mag 31 Enero 2025 ay bibigyan ng: 1)  "fine exemption" o hindi pagbabayarin ng multa; at 2) "suspension of re-entry restrictions" o hindi mailalagay sa “black list” o listahan ng mga taong ipinagbabawal na pumasok sa South Korea sa loob ng nasabing programa.

Para sa higit pang mga detalye tungkol sa programa, maaaring tingnan ang nakalakip na impormasyong mula sa MOJ at tiyaking mabuti kung kayo ay kwalipikado o maaring mag-apply sa programa. Ang mga aplikante ay maaari ding makipag-ugnayan sa Immigration Contact Center sa 1345 (piliin ang Filipino sa mga wikang banyaga), o bisitahin ang website ng HiKorea (http://www.hikorea.go.kr) at Korea Immigration Service (http://www.immigration. go.kr).

Alang-alang sa kanilang pansariling kapakanan at kaligtasan, hinihikayat ng Embahada ang lahat na manatiling nasa wasto at legal ang kanilang katayuan, gayundin ang pasaporte at iba pang dokumento, habang nagtatrabaho o naninirahan sa labas ng ating bansa.

AD MTD 121224 20 VoluntaryDep Fil

AD MTD 121224 20 VoluntaryDep Eng