MENU

Nais pong ipaalala ng Embahada ng Pilipinas sa lahat ng mga Filipino sa South Korea na umiwas sa pakikilahok sa anumang protesta, rally, o pampublikong demonstrasyon.

Sa ilalim ng mga batas ng Republika ng Korea (ROK), mahigpit na ipinagbabawal ang mga dayuhan na makibahagi sa ganitong uri ng pampulitikang aktibidad. Ang paglabag sa patakarang ito ay maaaring magresulta sa legal na parusa sa ilalim ng Article 17 ng  Immigration Control Act (Sojourn and Departure of Foreigners) ng South Korea.

Inaabisuhan ng Embahada ang lahat ng ating mga kababayan na sumunod sa mga lokal na batas at regulasyon upang maiwasan ang anumang aberya sa kanilang pananatili sa South Korea.

Kung mayroon po silang mga katanungan para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan lamang po sa Embahada sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o 010-9263-8119.

Maraming salamat po.

AD MTD 120824 19