DFA Statement on 13 May 2024
The official release can be accessed via this link: https://tinyurl.com/e5mzb59k
PAANYAYA SA ATING MGA KABABAYAN SA SOUTH KOREA: PISTANG PINOY 2024
Makisali sa Pistang Pinoy 2024!
Sama-sama nating ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, at Pambansang Araw ng Migranteng Manggagawa sa ika-9 ng Hunyo 2024, Linggo, 9:30 am.-3:00 p.m. Ito ay gaganapin sa kauna-unahang pagkakataon sa Busan city, sa outdoor plaza ng Busan Eurasia Platform.
Ang Pistang Pinoy 2024 ay isa ring kaganapan sa pag-gunita ng ika-75 taon ng Relasyong Diplomatiko ng Republika ng Pilipinas at Republika ng Korea, kung kaya’t sa espesyal na araw na ito, makakasama natin ang mga panauhing pangdangal at ang natatanging partisipasyon ng WishBus 107.5 at mga hinahangaan nating mang-aawit na galing sa Pilipinas.
Makiisa sa makulay at masayang Parada ng Pistang Pinoy kasama ang mga Filipino community organizations kung saan pipiliin ang Best in Philippine Festival Parade (para sa detalye, click https://bit.ly/phparade2024).
Sumali din sa OFW Got Talent, kung saan ang mapipili ay makakasama sa mga piling mang-aawit sa launching event ng WishBus 107.5 (para sa detalye, click https://bit.ly/ofwgottalent24)
Sali na, kabayan! Magparehistro sa link na ito: https://bit.ly/pidkr2024
Magkita-kita po tayo!
Maraming Salamat po.
SERBISYO NG SSS IHAHATID SA SEOUL, 12 MAY0 2024
Bilang patuloy na pagpapaigting ng aming paglilingkod sa publiko, nais ipaalam ng Embahada ng Pilipinas na ang Social Security System (SSS) ay maghahatid ng serbisyo sa Seoul sa darating na Linggo, ika-12 ng Mayo 2024, para ipaabot ang mga sumusunod:
- SSS Number verification/reactivation;
- Online registration assistance;
- Member information update/data change:
- Annual Confirmation of Pensioners (ACOP): at
- Benefits claims application.
Bukas po ang SSS service desk mula 9:30 n.u. hanggang 4:30 n.h. para sa mga interesado sa naturang serbisyo. Wala pong appointment na kailangan. Makipagkita lamang sa SSS representative sa Room 102, Consular Section ng Embahada, 80 Hoenamu-ro, Yongsan-gu, Seoul.
Maraming salamat po.
Embassy News
- Monday, 21 April 2025 PHL EMBASSY CONDUCTS FIELD PRE-VOTING ENROLLMENT ACTIVITY IN GEOJE
- Monday, 21 April 2025 PHL EMBASSY, ZONTA CLUB OF CENTRAL TUGUEGARAO AND IBP CAGAYAN CHAPTER CONDUCT LEGAL CARAVAN SA SOUTH KOREA: SEMINAR AT LIBRENG LEGAL CONSULTATION
- Wednesday, 16 April 2025 PHL EMBASSY ADMINISTERS OATH TO OFFICERS OF EL SHADDAI SOUTH KOREA CHAPTER, UNITED FILIPINOS IN SOUTH KOREA, FILIPINO PHOTOGRAPHERS IN SOUTH KOREA AND PINOY ISKOLARS SA KOREA
Announcement & News Updates
- Monday, 21 April 2025 SCHEDULE OF FIELD AND MOBILE OVERSEAS VOTING ACTIVITIES FOR THE 2025 NATIONAL ELECTIONS
- Wednesday, 16 April 2025 REQUEST FOR QUOTATION FOR SHORT-TERM CONTRACT FOR A PROFESSIONAL BARISTA FOR THE PHILIPPINE COFFEE APPRECIATION DAY ON 24 APRIL 2025
- Wednesday, 16 April 2025 NOTICE TO PROCEED TO MK INC. THE PROCUREMENT OF A CONTRACT FOR SUPPLY AND DELIVERY OF 75TH PH-ROK COMMEMORATIVE ROLLERBALL PENS FOR OFFICIAL USE OF THE EMBASSY