1st Blitz Chess Tournament
Inaanyayahan po ng Embahada at POLO OWWA ang mga kababayang OFW sa South Korea sa kauna-unahang Blitz Chess Tournament na gaganapin sa ika-26 ng Pebrero 2023, 1:00PM -5:00 PM, sa 3rd floor ng POLO-OWWA office sa Seoul. Ang palaro ay gaganapin sa pakikipagtulungan ng Philippine E9 Chess Club.
Para sa mga gustong lumahok, magparehistro sa pamamagitan ng https://bit.ly/POChess o QR Code. Merong lamang pong limited slots! Maraming salamat.
“Balik Saya Para sa OFWs sa South Korea Handog ng DMW-OWWA” at “OFW Got Talent”
Ipinaabot po ng Embahada ang paanyaya ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa lahat ng Overseas Filipino Workers (OFW) at Filipino Community Organizations sa South Korea na makilahok sa gaganaping “Balik Saya Para sa OFWs sa South Korea Handog ng DMW-OWWA” at patimpalak na “OFW Got Talent” sa ika-26 ng Marso 2023 sa Seoul, South Korea.
Ang programang ito, na inilunsad sa pakikipagtulungan ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul, POLO-OWWA, at Seoul Filipino Catholic Community, ay naglalayong magbigay ng kasiyahan at kaalaman para sa kapakanan ng mga OFWs sa South Korea.
Upang makasali sa “OFW Got Talent”, basahing mabuti ang kalakip na Contest Mechanics, at magpa-endorse sa isang Filipino Community Organization. Magpa-rehistro online sa https://form.jotform.com/230347785643059 mula ika-6 hanggang ika-20 ng Pebrero 2023.
Kung may katanungan, pakitawagan lamang po si Ms. Nica Somido o Ms. Joey Fiedacan ng POLO OWWA sa (02)3785-3635.
Sali na po, kabayan!
ONLINE FINANCIAL LITERACY WEBINAR ON THE 29TH TRANCHE OF THE RETAIL TREASURY BONDS (RTB29)
The Philippine Bureau of the Treasury with the support of the Philippine Embassy in Seoul invites the Filipino community in South Korea to attend the Online Financial Literacy Webinar on the 29th Tranche of the Retail Treasury Bonds (RTB29), an investment opportunity to be offered by the Philippine government, on 11 February 2023, 4:00 P.M. Korean Standard Time.
Join via: http://bit.ly/RTB29Roadshow or scan the QR code below.
The RTB 29 is a 5-year, low-risk, fixed-income investment that will provide interest on a quarterly basis. Proceeds from the issuance will be directed to sustaining the country’s recovery from the COVID-19 pandemic and funding key national expenditures as approved by the 2023 National Budget.
Thank you.
INFORMATION SESSION ON KIIP AND HRDK TRAININGS FOR EPS WORKERS
"Nais niyo bang umattend ng free Korean Language and Culture Training sa Korean Immigration and Integration Program (KIIP) at iba pang vocational skills training?
Inaanyayahan ng Embahada, kasama ang POLO OWWA at Itaewon Global Village Center, ang ating mga EPS workers na sumali sa isang Information Session on KIIP and HRDK Trainings for EPS Workers na gaganapin ngayong ika-12 ng Pebrero 2023, Linggo, 10:00AM-12:00PM sa Conference Hall ng Embahada.
Ang programang ito ay bilang pagtugon ng Embahada sa kahilingan ng ating mga EPS workers upang maturuan ng aktwal na pag-rehistro at pag-enroll sa KIIP. Para sa mga sasali, magdala po ng laptop na gagamitin sa workshop.
I-click lamang po ang https://bit.ly/KIIPTutorial or Qcode sa poster na kalakip upang makapag-parehistro. Magkita-kita po tayo!
Embassy News
- Wednesday, 12 February 2025 Philippine Embassy Conducts First Financial Literacy Seminar in 2025
- Monday, 10 February 2025 ASEAN COMMITTEE IN SEOUL AGREE TO STRENGTHEN REGIONAL COOPERATION WITH 1st VICE FOREIGN MINISTER KIM HONG KYUN
- Sunday, 09 February 2025 PHL EMBASSY CONDUCTS FIRST CONSULAR AND INFORMATION OUTREACH IN 2025
Announcement & News Updates
- Sunday, 09 February 2025 COLD WEATHER AND SNOW ADVISORY
- Thursday, 06 February 2025 Department of Tourism's (DOT) expanded Tourist Assistance Call Center (TACC) now offering Korean-speaking support
- Monday, 27 January 2025 PAUNAWA UKOL SA MGA PROTOKOL SA PAGPASOK SA REPUBLIKA NG KOREA EPEKTIBO SIMULA 01 ENERO 2025