- Sino ang maaaring magpa-validate ng vaccination documents sa POLO?
Tanging ang fully vaccinated OFWs (documented o undocumented), at ang kasama nilang immediate family members (asawa, anak at/o magulang) lamang, na uuwi ng Pilipinas mula abroad ang maaaring magpa validate ng vaccination documents sa POLO.
- Paaano maituturing na fully vaccinated na ang isang OFW?
Kapag natupad ang lahat ng mga sumusunod:
- Nakatanggap ng dalawang doses ng COVID-19 vaccine (Philippine or WHO authorized) para sa mga 2-dose series o isang dose ng COVID-19 vaccine para sa single-dose series (Hal. Janssen).
- Namalagi sa “Green Countries” ng dalawang (2) linggo matapos matanggap ang 2-dose o 1-dose vaccination. Kabilang ang bansang South Korea sa mga itinuturing na “Green Countries.”
- Saan maaaring mag apply ng Vaccine Pass ang isang fully vaccinated OFW?
Mag-register online sa ONEHEALTH PASS PORTAL na may link na: https://www.onehealthpass.com.ph/e-HDC/.
- Ano ang kailangan I-up-load na mga dokumento para ma-validate ng POLO ang vaccination pass?
- Vaccination Card Certificate, QR Code, o dokumento na na-issue ng host government;
- Valid Passport o Travel Document
- Proof of overseas employment (Hal.: Verified Employment Contract, OEC, OWWA Membership o anumang pagpapatunay ng employment na maaaring hingiin ng POLO.
- Paano malalaman kung na-validate na ng POLO ang request na Vaccination Pass?
Mag-i-issue ang POLO, through portal, ng vaccine pass sa OFW. Ang POLO Vaccine Pass ay ipadadala electronically sa email address ng OFW na nag register sa ONEHEALTH PASS PORTAL.
- Ano ang kahalagahan ng Vaccine Pass?
Magiging pitong (7) araw na lamang ang pamamalagi ng OFW sa facility-based quarantine at home quarantine naman para sa natitirang pitong (7) araw upang makumpleto ang kasalukuyang ipinatutupad na mandatory 14-day quarantine sa Pilipinas.
- Mag-va-validate ba ang POLO ng vaccination document ng non-OFW at Foreign Nationals?
Hindi. Para sa mga non-OFWs at Foreign Nationals na uuwi/pupunta ng Pilipinas, ang kanilang vaccination documents ay ipapakita sa isang dedicated Bureau of Quarantine (BOQ) representative para sa verification ng Department of Transportation One-Stop-Shop (OSS).
Kung may karagdagang kayong katanungan hinggil sa paalalang ito, maaari kayong tumawag sa POLO sa numerong (02) 3785-3634 or 010-6591-6290 o maaari po kayong mag e-mail sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..
Salamat po. END
20 July 2021