MENU

Ang Pasuguan ng Pilipinas sa South Korea ay nagpapa-alala sa mga kababayan na upang maging klaro at maayos ang inyong mga transaksyon sa araw ng inyong appointment, mangyari lamang na palaging piliin ang tama at akmang consular service sa pag-set ng appointment.

Halimbawa, para sa nais magpa-renew ng PASSPORT, mangyaring siguraduhin na ang appointment ay ginawa sa official Embassy website (https://philembassy-seoul.com).

Sa kabilang dako, kung ang kailangang serbisyo naman ay para sa CIVIL REGISTRIES or NOTARIALS, mangyaring mag-set ng appointment sa Facebook Page ng Embahada (PHinKorea).

Mangyaring tingnan ang sumusunod na guide para malaman kung saan makikita ang bawat consular service:

  1. Makikita sa Facebook Page ng Embahada (PhinKorea):
  • Civil Registries/Travel Document
  • Legal capacity to Contract Marriage (LCCM)
  • Report of Marriage
  • Report of Birth
  • Travel Document (one-way travel to the Philippines, valid only for 30 days)
  • Notarials/Citizenship
  • Notary of documents
  • Special Power of Attorney/affidavits/acknowledgements, certificates, etc.
  • Certification of Driver’s License
  • NBI Clearance
  • Embassy ID
  • Natural Born Certificate
  • Renunciation of Philippine Citizenship
  • Dual Citizenship
  1. Makikita sa Embassy Website:
  • Passport application (new)
  • Passport renewal

Ang mga appointment para sa maling serbisyo (halimbawa: nagpa-appointment sa Civil Registries ngunit ang kailangang serbisyo ay passport renewal) ay kakanselahin para mabigyang-puwang ang mga kababayan na nangangailangan ng tamang service at schedule.

Kung kayo ay isa sa mga kababayang apektado ng bagong alituntunin ng Korea Immigration Service (KIS) sa VISA renewal at hindi kayo makahanap ng appointment, mangyaring mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. kalakip ang mga sumusunod na impormasyon: (1) kopya ng data page ng passport, (2) contact details, at (3) maikling paliwanag ng inyong sitwasyon.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa. END

 18 April 2021

p