MENU

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

  1. Ano ba ang bagong patakaran ng Korea Immigration Service (KIS)?

 Simula sa 1 Hulyo 2021, ang panahon ng pananatili ng mga foreigner ay ibibigay ng KIS sa loob lamang ng panahon ng bisa ng pasaporte.

 

  1. Sino-sino ang maapektuhan ng bagong patakaran?

Ang bagong patakaran ng KIS ay para sa lahat ng mga foreigner na may hawak ng kahit na anong valid Korean visa, MALIBAN SA MGA SUMUSUNOD:

  • F-5/ Permanent Resident Visa
  • F-2-4/ Refugee Visa
  • G-1-6/ Humanitarian Visa

Kung ang iyong hawak na Korean visa ay hindi nakalista sa taas (halimbawa: F-6, E-9, E-7, atbp.), ikaw ay apektado ng bagong patakaran.

  1. Nag-extend ako ng aking Korean visa noong (petsa bago dumating ang 01 July 2021), apektado ba ako ng mga bagong alituntunin?

Ang bagong patakaran ng KIS ay ipapatupad simula ika-1 ng Hulyo, 2021.

Ang mga manggagawang sakop ng Employment Permit System (EPS) na mag-e-extend ng visa para sa pangalawang sojourn (karagdagang 1 year at 10 months) bago ang ika-1 ng Hulyo, 2021, ay hindi maapektuhan ng bagong alituntunin.

  1. Ako ay isang dual Filipino-Korean citizen. Apektado ba ako ng bagong patakaran?

Ang patakarang ito ay para lamang sa mga foreigner at hindi para sa mga Korean citizens.

  1. Ako ay isa sa mga maapektuhan ng bagong patakaran ng KIS. Gusto kong mag pa-renew ng passport bago ako mag-apply ng visa extension ngunit puno na ang schedule ng Embahada. Ano ang pwede kong gawin?

Kung ikaw ay isa sa mga maapektuhan ng pagbabagong ipapatupad ng KIS simula ika-1 ng Hulyo 2021, maari lamang na mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. para kayo ay mahanapan ng mas maagang appointment bago ang inyong visa application. Paki-lakip ang kopya ng data page ng inyong passport, contact numbers, at maikling paliwanag tungkol sa inyong sitwasyon. END

 08 April 2021

KIS FAQs