Nais ipaalam ng Embahada ng Pilipinas sa publiko na ang tanging opisyal at ligtas na website para sa pagkuha ng PNP Police Clearance ay https://pnpclearance.ph/.
Samantala, ang website na https://policeclearanceph.ph/ ay peke at hindi awtorisado. Ang sinumang maglalagay ng kanilang personal na impormasyon sa nasabing website ay nanganganib sa identity theft at maling paggamit ng kanilang datos, dahil ang site na ito ay hindi konektado sa Philippine National Police (PNP).
Pinapayuhan ang lahat ng Pilipino sa South Korea na mag-ingat sa paggamit ng mga online na serbisyo ng gobyerno at tiyaking gamitin lamang ang opisyal at beripikadong mga website. Maraming salamat po. END