MENU

The Philippine Embassy in Seoul announces that the Digital Overseas Voter’s ID issued by the Commission on Elections - Office for Overseas Voting (COMELEC-OFOV) for Filipinos who are registered to vote in South Korea are now available and may be claimed from the Embassy through the following steps:

1. Please refer to the Certified List (as of 31 March 2024) at https://bit.ly/SouthKoreaCLOVMar2024 to check if you are an active registered overseas voter under the Philippine Embassy in Seoul, South Korea.
 
2. If your name is on the said list, please click on https://bit.ly/digitalvoterIDsouthkorea or scan the QR-Code below, fill out and submit the request form.
 
3. The Digital ID, together with instructions on how to download, shall be sent by the Embassy to the email address indicated in your request form.
 
Please note that no printed copies will be made available at this time.
 
Once again, the Embassy reminds those who have not yet applied for Overseas Voter Registration that the deadline is on 30 September 2024.
 
For any further questions, please send an email to This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..
 
Thank you.
-------------------------
Ipinapaalam ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul na maaari nang makatanggap ng Digital Overseas Voter’s ID mula sa Commission on Elections - Office for Overseas Voting (COMELEC-OFOV) ang mga Filipino na nakarehistrong bumoto sa South Korea, ayon sa mga sumusunod na hakbang:
 
1. Tingnan ang Sertipikadong Listahan (hanggang 31 Marso 2024) sa https://bit.ly/SouthKoreaCLOVMar2024 at suriin kung kayo po ay rehistradong Overseas Voter sa ilalim ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul, South Korea.
 
2. Kung kayo po ay kabilang sa nasabing listahan, i-click ang link na ito https://bit.ly/digitalvoterIDsouthkorea o kaya ay i-scan ang QR-Code sa ibaba, sagutan at i-submit ang request form.
 
3. Ang inyong Digital Overseas Voter’s ID, kasama ang mga tagubilin kung paano ito i-download, ay ipapadala sa inyong email address na isinulat sa request form.
 
Tandaan po lamang na walang mga naka-imprentang kopya ng ID ang maipagkakaloob sa ngayon. At muli pong pinapaalala sa mga hindi pa nakarehistro na ang Overseas Voter Registration ay hanggang ika-30 ng Septiembre 2024 na lamang po.
 
Para sa anumang katanungan, mangyaring mag-email po lamang sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..
 
Salamat po.

09Sept DigitalVotersID

09Sept OVDigitalID2