Pinapaalalahanan ng Embahada ng Republika ng Pilipinas ang lahat ng Filipino Community Organizations sa South Korea na i-update ang kanilang registration status at isumite ang listahan ng mga halal o itinalagang pinuno sa https://bit.ly/filcomupdate2023 bago mag-ika-31 ng Disyembre 2023.
Ang mga samahang hindi mag-update ng kanilang registration status ay maaaring mailista bilang "inactive" at hindi makatanggap ng mga paanyaya, anunsyo o mga mahahalagang impormasyon mula sa Embahada. Mahalaga ang pagiging aktibo ng bawat samahan upang masiguro ang maayos na daloy ng komunikasyon at suporta sa ating komunidad, lalo na sa mga panahon ng sakuna o emergency.
Ang mga nais magparehistro bilang Filipino Community Organization ay maaaring magsumite ng mga requirements sa http://www.philembassy-seoul.com/filipino_community.asp. Para sa karagdagang katanungan at detalye, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pag-unawa.
Paki-click lamang ang link na ito para sa karagdagang detalye: LISTAHAN NG MGA FILIPINO COMMUNITY ORGANIZATIONS SA SOUTH KOREA