MENU

INAANYAYAHAN PO ANG LAHAT SA FORMAL LAUNCHING NG EMBASSY VIDEO NA "PHILIPPINE CULTURE FOR MULTICULTURAL KIDS" NA GAGANAPIN SA DARATING NA LINGGO, IKA-8 NG SETYEMBRE, ALAS TRES NG HAPON SA PHILIPPINE EMBASSY BUILDING.

 
Ang videong "Philippine Culture for Multicultural Kids" ay binuo upang matulungan ang mga batang nagmula sa Filipino-Korean multicultural families na magkaroon ng kaalaman at interes tungkol sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas kahit na sila ay nasa ibang bansa at di gaanong bihasa sa wikang Filipino.

Ang video ay gumagamit ng animation, video clips at mga larawan tungkol sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas habang ang mga ito ay ipinapaliwanag sa wikang Koreano. Magkakaroon po ng launching ceremony pagkatapos ay mapapanood sa kauna-unahang pagkakataon ang 10-minute video na ito. Sana po ay makasama namin kayo dito bilang pagpapahalaga sa multicultural education ng mga batang galing sa Filipino-Korean families.

Ang launching ng video ay kasama sa mga activities na isasagawa ng Embassy sa 08 September 2013 upang gunitain ang 2013 National Language Month. Ang iba pang mga activities ay ang Filipino Language Speech Contest at ang awarding ng mga nanalo sa Photo Contest. Maraming salamat po.