Malugod na inaanyayahan ng Embassy of the Philippines in Seoul, salamat sa tulong ng Incheon Metropolitan Government sa pamamagitan ng Filipino community sa Incheon, ang lahat ng mga Pilipinong naninirahan sa Korea na dumalo sa ating taunang salu-salo, ang pagdiriwang ng Pagpapahayag ng Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas at Araw ng Migranteng Manggagawa, sa Incheon Samsan World Gymnasium sa ika-2 ng hunyo 2013. linggo.
Ayon sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP), ang ahensiyang naatasan na mag-organisa ng ika-115 anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan, napgpasyahan na ang tema ngayong taon ay "KALAYAAN 2013: Ambagan tungo sa Malawakang Kaunlaran". Consistent ito sa bagong branding natin ukol sa Bayanihan at sa economic policy ng administrasyon para sa "inclusive economic growth and development".
Maliban sa nakasulat na umpisa ng programa ng alas 8:30 (registration) at 9:30 para sa Misa, inaanyayahan po ang lahat ng lalahok sa palatuntunan na pang-umaga na dumayo po sa venue mula alas 7:30 hanggang 8:30 sa araw mismo ng event para po sa blocking at dress rehearsal. Ganoon na rin po ang mga volunteers na Physical Arrangement, Protocol, Marshalls, Usherettes, Services, Program, Registration and Prizes.
Napagpasyahan po na ang seating ay libre at bukas sa misa pati na rin sa programa sa umaga. Ang order ng FilCom sa parada ay alphabetical, ayon sa mga nagsumite ng listahan hanggang kahapon, habang ang mga lalahok sa Pista sa Nayon naman ay pipila sa sumusunod na orden: : Daegu (Kadayawan), Bucheon (Sinulog), Incheon (Panagbenga), Ansan (Masskara) and Gasan (Ati-Atihan).
Ito po ang link ng event:
https://www.facebook.com/events/123310921195989/
Mabuti pong mag-click ng "Going" kung may balak kayong mag-attend.