Malugod na inaanyayahan ng Embahada ang ating mga kababayan na nasa Korea upang makilahok sa ika-limang yugto ng Know Your Rights and Responsibilities (KYRR) Seminar na tatalakay sa Karapatan ng mga Kababaihan at Kabataang Pilipino na nasa Korea.
Ang seminar na ito, na magsisilbing networking session din para sa mga marriage migrants, counsellors, social workers at community leaders, ay gaganapin sa ika-19 ng Nobyembre 2022, Sabado, simula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon sa Multicultural General Welfare Center Office na matatagpuan sa address na 4th Floor, Seonghwa Building, 3 Cheongpa-ro 3-gil, Yongsan-gu, Seoul, Korea
Sa mga nais makilahok, maaari pong magrehistro sa https://bit.ly/3EiY4gX o kaya ay i-scan ang QR-code na nasa e-poster hanggang 15 November 2022.
Magkita-kita po tayo!