MENU

Kung kayo po ay nakarehistro bilang Overseas Voter sa Korea para sa darating na voting period mula 13 Abril hanggang 13 Mayo 2013, maaari ninyong makita ang inyong pangalan sa pamamagitan ng pag-click sa link na ito. Lalabas lamang po ang inyong pangalan kung nagparehistro kayo para makaboto sa Korea at hindi kayo lumibang bumoto sa Korea ng dalawang sunod na eleksyon.

Kung wala po ang inyong pangalan sa itaas na listahan, maaari po na kayo ay nagparehistro sa Korea subalit hindi nakaboto ng dalawang sunod na eleksyon sa Korea. Maaari po lamang na tingnan kung ang pangalan ninyo ay nasa listahan sa pamamamagitan ng pag-click sa link na ito. Kung ang pangalan po ninyo ay kasama sa listahan, maaari na po kayong bumoto sa eleksyong ito mula 13 Abril hanggang 13 Mayo 2013 dahil naglabas ng resolusyon ang COMELEC tungkol dito.
Kung hindi po lumalabas ang inyong pangalan kahit na sa tingin ninyo ay dapat na kasama kayo sa mga listahang nabanggit sa itaas, o kung may iba pang mga katanungan, tumawag po sa mga numerong ito –

- 010-936-52312 (Ms. Elaine Diza);
- (02)7967387 to 89 Ext. 119 (Mr. Jun Socorro); and
- (02)7967387 to 89 Ext. 115 (Ms. Mila Agustines).