Malugod pong inaanyayahan ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul ang lahat ng mga samahan o organisasyon na binubuo ng ating kababayan sa iba’t-ibang panig ng Korea, na hindi pa rehistrado bilang Filipino Community Partner ng Embahada, na magsumite ng aplikasyon para sa kanilang registration sa pamamagitan ng paggamit ng sumusunod na online link:
https://forms.gle/QaQG2f7DVkKxZ8st9.
Ang mga impormasyong ipagkakaloob ay masusing pag-iingatan ng Embahada. Subalit, nais din sanang hingin ng Embahada ang kanilang pagsang-ayon na ang lahat ng kaukulang impormasyon ay malaya nitong ibinabahagi para sa katuparan mga lehitimong layunin ng Embahada, tulad ng paglulunsad ng isang talaan o online directory at isang bulletin board para sa mas epektibong ugnayan at pagbabahagi ng mga impormasyon at proyekto ng mga rehistradong samahan.
Ang Certificate of Registration bilang Filipino Community Partner ay wala pong bayad at may bisa na hanggang dalawang (2) taon simula sa araw ng pagkakatalaga.
Magkakaroon ng pormal na paggawad ng Certificate of Registration sa 18 Hunyo 2022 sa gaganaping 2nd Filipino Community Leaders’ Forum. Kaya kung maaari po ay ipadala na sa Embahada ang aplikasyon bago mag ika-12 ng Hunyo 2022.
Maari pong sumangguni sa Embahada sa email: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. (cc: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it., This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.) para sa anumang katanungan at karagdagang kaalaman.
Maraming salamat po.
31 Mayo 2022.