Panimula Kamakailan lang ay may naiulat na mga kumpirmadong kaso ng mga taong nahawaan ng swine influenza A/H1N1 (swine flu) sa Mexico at ilan pang mga bansa. Ang swine flu virus, na unangn natuklasan na kumakalat sa mga baboy, ay napatunayang lumalaganap paminsan-minsan sa tao. Sa kasalukuyan, nagkaroon ng seryosong paglaganap (outbreak) ng virus sa ilang bansa.
Mga Sintomas
Ang mga sintomas ng human swine influenza ay karaniwang katulad sa ordinaryong influenza (trangkaso). Kasama dito ang lagnat, panghihina, kawalan ng ganang kumain at pag-ubo. Ang ilang mga taong nahawaan ng swine flu ay maaaring makaranas din ng baradong ilong, namamagang lalamunan, pagkahilo, pagsusuka at pagtatae.
Paraan ng Paglaganap
Ang paglaganap sa tao ng swine flu ay pinaniniwalaang pareho sa paglaganap ng ordinaryong trangkaso. Ito ay sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing. Maari ring mahawahan ang isang tao sa pamamagitan ng paghawak sa mga bagay na nabahidan ng virus, karugtong ng paghipo o paghawak niya ng kaniyang ilong or bibig.
Wala pang pagpapatunay na lumalaganap ang swine flu sa pamamagitan ng pagkain; kasama na dito ang ulam na baboy na wastong nahanda. Ang pagluto ng pagkain sa temperatura na higit sa 70C (160 F) ay kailangan para mamatay ang virus na nasa pagkain.
Pangangasiwa
Ang mga taong merong sintomas ng trangkaso ay dapat magsuot ng N95 mask at kumosulta kaagad sa doctor. Ang mga nakapunta sa mga lugar na naapektuhan o nalantad sa mga may sakit ay dapat sabihin sa doctor ang mga detalye ng kanilang pagbibiyahe at pakikipag-ugnayan. Ang mga antiviral agents (mga gamut na pangkontra sa virus tulad ng Tamiflu) ay maaaring makabawas sa paglala at pagtagal ng karamdaman pero itong mga ito ay dapat lamang gamitin ayon sa payo at reseta ng doctor.