MENU

6 April 2022, Seoul – Dahil sa bagong patakaran tungkol sa re-entry permit mula 1 April 2022 ayon sa anunsyo ng Korea Immigration Service[1], muling nagpapa-alaala ang Embahada ng Pilipinas sa lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) dito sa South Korea na nag-nanais magbakasyon tungkol sa bagong procedure sa pagkuha ng Overseas Employment Certificate (OEC) gamit ang POEA Online Processing System for Balik-Manggagawa (POPs-BaM).

Mangyaring basahin ang kalakip na step-by-step procedure sa pag-gawa ng e-Registration account at pagkuha ng OEC batay sa Abiso nuong 15 Oktubre 2021 sa http://www.philembassy-seoul.com/ann_details.asp?id=12708 at POLO-Korea FB page.

Mahalagang tandaan:

  1. Lahat ng OFW ay kinakailangang may e-Registration upang makakuha ng OEC, makagawa ng appointment schedule, at maka-gamit ng POEA helpdesk.
  1. Para sa mga hindi nag-change ng employer, makukuha ang OEC exemption online at hindi kailangang pumunta sa POLO o POEA.
  1. Para sa mga nag-change ng employer (o nagpa-release), nag-palit visa o jobsite, kailangang gumawa ng appointment sa POLO gamit ang e-Registration account bago magbakasyon upang ma-update ang employment record.

Para sa non-EPS worker, kailangan dumaan sa contract verification procedure ng POLO. Dalhin ang orihinal at photocopy ng kontrata, visa, business registration (apostilled) at profile ng employer sa pag-bisita.

  1. Sa pag-gawa ng e-Registration account, siguruhin ang sumusunod:
  • Valid ang passport ng at least anim (6) na buwan
  • Huwag gumamit ng “0” sa fields na walang kasagutan
  • Wasto ang mga impormasyong inilagay; i-double check ang entries
  • Kung nakalimutan ang username o account password, maaring gamitin ang account recovery o kaya magpadala ng help ticket sa HelpDesk
  1. Panatilihing aktibo ang OWWA membership.

Para sa karagdagang impormasyon, panuorin ang ginawang Orientation sa POPs-BaM ng Embahada sa https://fb.watch/ceehmbGJox/ , o tumawag sa POLO Korea sa telepono 3785-3634/35 (Sunday to Thursday from 10:00 to 4:00 PM). -END-

 

[1] Source: https://www.immigration.go.kr/immigration_eng/1832/subview.do?enc=Zm5jdDF8QEB8JTJGYmJzJTJGaW1taWdyYXRpb25fZW5nJTJGMjI5JTJGNTU3NTg3JTJGYXJ0Y2xWaWV3LmRvJTNG

AdvNo Paalaala sa Pagkuha ng OEC ng mga magbabakasyong OFW