MENU

Ipinapaalam sa publiko na mula ika – 31 ng Disyembre 2021, lahat ng appointments sa Pasuguan ng Pilipinas sa Seoul para sa aplikasyon at renewal ng pasaporte ay maari nang makuha gamit ang Global Online Appointment System (GOAS) ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas (DFA-Philippines). Ipinapaalam din sa publiko na ang lahat ng appointment para sa aplikasyon at renewal ng passport sa buong mundo ay maari lamang makuha sa pamamagitan ng DFA-GOAS.

Ang GOAS online passport appointment system ay matatagpuan sa sumusunod na website: www.passport.gov.ph.

Ang mga aplikanteng nakakuha na ng appointment para sa 2022 at sa mga natitirang araw ng 2021 ay hindi na kailangan kumuha ng panibagong appointment gamit ang GOAS.

Ang mga aplikanteng senior citizens, PWDs, mga nagdadalang tao, at mga menor de edad na pitong (7) taong gulang kasama ang magulang ay hindi na kinakailangang kumuha ng appointment online.

Para sa mga ibang serbisyong konsular (Notarials, Dual Citizenship Retention/Reacquisition, Civil Registry, NBI, and Travel Documents, at iba), tuloy ang paggamit ng umiiral na sistema sa paggawa ng appointment.

Para sa mga mag-a-apply ng Philippine Visa, patuloy ang pagtanggap ng mga aplikanteng “walk-in” at ipinapairal ang sistemang “first-come, first-served”. Maari ding gumawa ng appointment at magsumite ng requirements sa online portal na visa.gov.ph.

Maraming salamat po sa pag-unawa at atensiyon.

Ika-14 ng Disyembre 2021

Goas EF