Malugod pong inaanyayahan ng Pasuguan ng Pilipinas ang ating mga kababayan sa South Korea upang makilahok sa online 2021 Paskong Pinoy sa Korea na gaganapin sa ika-5 ng Disyembre, Linggo, mula alas tres hanggang alas singko y’medya ng hapon (3:00-5:30 PM).
Ang birtwal na programa ay tulong-tulong na pinaghandaan ng ating Filipino Community dito sa South Korea kasama ang POLO OWWA bilang handog sa ating mga kababayan sa panahon ng kapaskuhan.
Upang sumali, magpa-rehistro sa https://form.jotform.com/213108983218053
Magkita-kita po tayo! -END-