Dahil sa mga inaasahang mga malakihang pagtitipon, protesta o demonstrasyon sa mga darating na araw kaugnay ng kasalukuyang sitwasyong pulitikal sa loob ng South Korea, muli pong pinapayuhan ng Embahada ang mga Filipino sa South Korea na patuloy na mag-ingat at iwasan ang mga matataong lugar. 

Muli rin pong ipinapaalala ng Embahada na sa ilalim ng mga batas ng Republika ng Korea, ipinagbabawal ang mga dayuhan na makibahagi sa ganitong uri ng pampulitikang aktibidad  sa ilalim ng Artikulo 17 ng  Immigration Control Act (Sojourn and Departure of Foreigners) ng South Korea.

Inaabisuhan ng Embahada ang lahat ng ating mga kababayan na sumunod sa mga lokal na batas at regulasyon upang maiwasan ang anumang aberya sa kanilang pananatili sa South Korea.

Kung mayroon po silang mga katanungan para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan lamang po sa Embahada sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o 010-9263-8119. 

Maraming salamat po sa inyong atensyon at pag-unawa.

 

Public Demons FIL1 1

Public Demons2 ENG 1